Saturday, March 10, 2012

Labingdalawang Minutong Kalungkutan

Unpublished post na naisulat ko noong Feb. 9, 2012. Hindi na ako malungkot pero natuwa lang ako't parang pinag-isipan ko pa kung paano ito isusulat.

12 minutes. Sabi nila, ang kalungkutan daw ay tumatagal ng labing-dalawang minuto at beyond that, nasa tao na ang desisyon kung pipiliin niyang patuloy na magpadala sa bigat ng damdamin o piliin na ito na lang ay limutin.

Hindi ako malungkutin, o baka marahil, mas pinipili ko na lang wag isipin ang kung ano mang bumabagabag sa aking damdamin. Pero madalas, tinatakbuhan ko na lang at pilit tinatakasan sabay banat na 'okay ako, walang problema. Ayos!' 

Hindi ko rin hilig ang magpahayag ng kalungkutan. Kung isusulat ko man, hindi ito sa paraang kagets-gets. Parang suman na pilit kong ibinabalot sa mabangong dahon ng saging. 

Malungkot ako. At dahil naisulat ko, malinaw sa akin na kasabay nito ang immortalization ng aking feelings. May threshold din pala ang pagtakas sa pakiramdam na ito. Kung sa action potential, habang patuloy na tumataas ang frequency at recruitment ng stimulation, mas lalong nag-mamanifest.    

Sunday, January 29, 2012

27 Dresses

Once in a while,
Right in the middle of an ordinary life,
Love gives us a fairy tale.
- Anonymous 



Dati lang kala-kalaro ko siya tuwing hapon. Dati lang, siya ang kasabunutan ko sa mga away. Dati lang, siya ang tanungan ko ng assignment. Ang bilis nga naman ng panahon. Ngayon, kasal na siya at bubuo na ng sarili niyang pamilya, ng sarili nilang kaharian. 



Di ko mapigilang medyo maluha habang naglalakad si Ate patungong altar. Ang ganda pala talagang eksena iyon. Punung-puno ng di maipaliwanag na kasiyahan at ningning. Parang sa utak ko, nag-flashback yung ilang panahong naging saksi ako ng kanilang love story. 



Nakakatuwang isipin na bawat isa sa atin ay may sariling love story, may sariling happily ever after. Nakakatuwang isipin na ang isang dating di kakilala ay iyon palang magiging kasama pang-habang buhay. 

Sa ngayon, patuloy pa rin ang koleksyon ko ng aking mga 'bridesmaid dress.' Hindi ko alam kung ilan pa ang bibilangin bago ito'y maging puti. Hindi ko alam kung hanggang kailan maghihintay sa isang taong handa akong samahan sa aking pagtanda hanggang sa sumakit na ang aming mga binti. Ni hindi ko nga alam kung talagang darating iyong panahon na tatahakin ko rin ang landas ng altar. Pero gaya ng lagi kong sinasabi, bahala na!




Monday, January 09, 2012

Yoo-Pee-El-Bi

Pag sinabing UPLB, ilang mga bagay ang pumapasok sa isip ko: thesis, Biotech, Boston, Papu's, tinapay, LB Square, Raymundo, Joe's, Sizzler, Mer Nel's, Freedom park, nakakatakot na tulay, late night coffee sa damuhan, life talks. 

After almost 1 year, ay nagkaroon ako muli ng pagkakataong makabisita sa aking itinuturing na isa saking paboritong UP campus. Sad lang dahil kasama ng pagkakataong ito ay isang panandaliang pamamaalam sa isang taong naging parte ng aking college life.

Have a safe trip sir! See you soon someday!

Minsan naiisip ko na sa kabila ng ating kanya-kanyang ka-busyhan sa ginagalawang mundo, ay madalas nakakaligtaan natin ang bumisita at mangamusta sa mga taong naging importanteng mga tauhan sa kwento ng ating buhay. Kahapon, isang kaibigan ang muling nakausap. Doon ko lubusang na-realize ang kapangyarihang taglay ng isang munting 'kamusta.' Ang sarap ng pakiramdam na may nakaalala, na hindi pa nalilimutan.

Nakakatuwang muling bumalik sa pamilyar na lugar na iyon. Napuno ang aking hapon ng mga kwento, pangangamusta, at pagbabalik tanaw sa ilang mga alaala ng nakaraan. Hindi ko alam kung kailan muli ako makakadalaw. Pero sigurado akong ito ang isang lugar na laging magiging malapit sa aking puso. Isang lugar na hindi mawawaglit sa aking diwa. Isang lugar na minsa'y nakinig sa aking hinaing. At isang lugar na minsa'y naging mahalagang tagpuan sa kwento ng aking buhay.

PS. Thank you kay Sir Perry sa Mer Nel's. Yehey! May pangalan ko pa!