Pag sinabing UPLB, ilang mga bagay ang pumapasok sa isip ko: thesis, Biotech, Boston, Papu's, tinapay, LB Square, Raymundo, Joe's, Sizzler, Mer Nel's, Freedom park, nakakatakot na tulay, late night coffee sa damuhan, life talks.
After almost 1 year, ay nagkaroon ako muli ng pagkakataong makabisita sa aking itinuturing na isa saking paboritong UP campus. Sad lang dahil kasama ng pagkakataong ito ay isang panandaliang pamamaalam sa isang taong naging parte ng aking college life.
Minsan naiisip ko na sa kabila ng ating kanya-kanyang ka-busyhan sa ginagalawang mundo, ay madalas nakakaligtaan natin ang bumisita at mangamusta sa mga taong naging importanteng mga tauhan sa kwento ng ating buhay. Kahapon, isang kaibigan ang muling nakausap. Doon ko lubusang na-realize ang kapangyarihang taglay ng isang munting 'kamusta.' Ang sarap ng pakiramdam na may nakaalala, na hindi pa nalilimutan.
![]() |
Have a safe trip sir! See you soon someday! |
Minsan naiisip ko na sa kabila ng ating kanya-kanyang ka-busyhan sa ginagalawang mundo, ay madalas nakakaligtaan natin ang bumisita at mangamusta sa mga taong naging importanteng mga tauhan sa kwento ng ating buhay. Kahapon, isang kaibigan ang muling nakausap. Doon ko lubusang na-realize ang kapangyarihang taglay ng isang munting 'kamusta.' Ang sarap ng pakiramdam na may nakaalala, na hindi pa nalilimutan.
Nakakatuwang muling bumalik sa pamilyar na lugar na iyon. Napuno ang aking hapon ng mga kwento, pangangamusta, at pagbabalik tanaw sa ilang mga alaala ng nakaraan. Hindi ko alam kung kailan muli ako makakadalaw. Pero sigurado akong ito ang isang lugar na laging magiging malapit sa aking puso. Isang lugar na hindi mawawaglit sa aking diwa. Isang lugar na minsa'y nakinig sa aking hinaing. At isang lugar na minsa'y naging mahalagang tagpuan sa kwento ng aking buhay.
PS. Thank you kay Sir Perry sa Mer Nel's. Yehey! May pangalan ko pa!
PS. Thank you kay Sir Perry sa Mer Nel's. Yehey! May pangalan ko pa!
No comments:
Post a Comment