Saturday, December 31, 2011

2011

          Ilang oras nanaman at bagong taon na naman. Not-so-bagong resolutions, bagong mga mithiin, bagong mga plano, at bagong mga pagkakataon. Parang nakaugalian ko na rin sigurong gawing starting point ang araw ng bagong taon. Pero bago nanaman magpalit ang kalendaryo ay nais ko munang alalahanin ang taong maya-maya ay tuluyan nang magpapaalam. 

          2011. Maraming mga alaala ang muli nanamang kalakip ng taon nito. Maraming 'firsts' at marami rin naman ang mga nakagawiang patuloy na binalikan at ginunita. At nariyan din ang mga bagay na di inaasahang magpapasaya at magmamarka sa isa nanamang masayang taon.

ü Thesis, UP Los Banos Experience
                 Ang sarap makita na naka-bind na yung ilang sem ng paghihirap. Kahit medyo mahirap at nakakapagod, masasabi kong naging isa sa masayang experience ito ng taon. Maraming mga bagong nakilala at mga bagong lugar na napuntahan. At dahil sa thesis, sa wakas...pang-provincial driving na ko! 


ü Summer at Diliman
          Ito marahil ang paborito kong sem sa buong college life ko, nang muli akong bumalik sa aking pinanggalingan. May espesyal na marka at alaala sa aking dulot ang UP Diliman. Dito ako nagsimula at ngayon, dito rin ako nagtapos. Super memorable sa akin ng tatlong huling klase ng college life ko: Math 100, PanPil 19, at ang sit in forever sa summer PanPil 17. Ang dami kong natutunan at kasiyahan moments. Nariyan pa ang reunion namin ng aking mga minamahal na blockmates. 








ü May 2011 Graduation
          Sa wakas! Graduate na ko ng BS Biology! Salamat UP, Salamat! Pero sobrang mamimiss kita! Huhu!









ü Hello Med School!
          Ito yung pinka-hindi ako siguradong desisyon ng taong 'to. Pero dahil wala naman talaga akong plano ay itinuloy ko na lang ang pag-aaral. Turns out, enjoy naman kahit noong una ay takot na takot ako! Maraming mga bagong kaibigang nakilala, bagong mga katambayan, bagong kaalaman, bagong routines, at bagong memories. 








ü 2011 = Travel Year
           Travel year ko ang 2011. Dahil generous ang Cebu Pac ngayong taon sa seat sale ay nalubos ko rin ang travel promos nila. Mula Bohol, Davao, hanggang sa Boracay. At kalakip ng mga lugar na ito ay ang adventures na sa wakas ay na-check ko na sa bucket list ko. 

1. Bohol, Zipline, Danao Plunge





2. Davao







3. Boracay








          Marami pang mga masasayang alaala ang 2011 na hindi ko na iisa-isahin. Marami pa rin ang mga nasa listahan na hindi pa naisasakatuparan. Sa kabila nito, naging mabuti sa akin ang 2011. Salamat sa mga kapamilya at mga kaibigan na hindi ako iniwan sa taong ito. Salamat sa mga alaala. Kayo, kayo talaga ang tunay na highlight ng 2011 ko!

   


          
PS. Dear 2012, let's have an awesome year together! Handa na ko para sa'yo! At kung magugunaw man talaga ang mundo, asahan mo di na ko matatakot gawin ang dapat gawin, sabihin ang dapat sabihin, at patuloy na mahalin ang dapat mahalin. Happy awesome 2012 sating lahat! 

Saturday, December 24, 2011

Simbang Gabi

High school pa lamang ako nang magsimula akong magsimbang gabi. Sabi ng marami, kapag nakumpleto raw ang siyam na araw ay siguradong matutupad ang iyong kahilingan. Sa paglipas ng panahon, napatunayan kong hindi sapat ang siyam na madaling araw para tumupad ng isang hiling. Kaakibat dapat nito ang pagsisikap upang tuparin ang naisin. 

Nakakatuwang isipin na noong bata ako, napaka-eksakto ng mga gusto ko sa buhay. Na matupad lamang iyong mga munting hiling ay masaya na ako. Habang tumatagal ang panahon, mas nagiging malabo ang lahat. Marahil, mas ginugusto ko na lamang na tanggapin ang kung ano mang ipinagkakaloob sa akin. Mas ginugusto kong pahalagahan ang ngayon kaysa sa noon at bukas.

Ilang sandali na lang ay pasko na. Narito na muli ang panahon ng pagbibigayan, pagsasama-sama, at pagmamahalan. Sana'y maalala natin ang tunay nitong diwa. Happy Christmas everyone!  

PS. Naalala ko ang isang usapan namin nung classmates ko

Classmate #1: May boyfriend ka ba?
Ako: Wala. SMP this year.
Classmate #2: SMP=Samahan ng Mararaming Pera. Walang reregaluhan eh. 

Eh natawa ko. Di ko alam kung dapat ba kong matuwa o hindi eh. Next year kaya, hindi na malamig ang pasko? Chos!