Monday, November 07, 2011

Alaala ng Maikling Buhok

"Magpapa-boy cut ako." 

Takot ako magpaiksi ng buhok gaya ng takot ko sa kung ano mang klase ng pagbabago o mga bagay na di nakasanayan. Pero yung buhok kasi, mahirap  gawan ng paraan kung saka-sakaling hindi bumagay. Isang araw, nangahas akong magpagupit ng mas maiksi than usual. At kalakip ng malaking pagbabagong ito ay ang mga alaalang gustong balik-balikan. Sa maikli kong buhok, marami akong napuntahan, naranasan, at natutunan kasabay ng sandaling panahon bago bumalik muli ito sa dati.

Nakaka-miss yung mga pagkakataong young and wild and free ang drama ko sa buhay. Wala masyadong iniisip, wala masyadong kinatatakutan. Handang sumubok ng di pa nasusubukan. Handang pumunta sa di pa napupuntahan. 



Pero tulad nga ng pagpapagupit, kapag bumagay, edi okay. Kung hindi naman ay nakasisigurong babalik din ang lahat sa dati. Pero bakit ba kapag mahaba na yung buhok, nakakahinayang na itong putulin? Yung pakiramdam na pinaglaanan mo ito ng panahon at effort para makarating sa kung ano mang haba nito ngayon. Ngunit sa isang banda, nakikita mo naman ang split ends at nagsasawa ka na sa tagal na ganoon ang itsura nito. Tapos maiisip mo na lang na minsan, maganda rin naman ang pagbabago, lalo na kung alam mo na dito ka magiging mas masaya. Yun nga lang, hindi ka na kasing tapang ng dati para bumalik muli sa umpisa.

Hay, gusto kong magpagupit.

No comments:

Post a Comment