High school pa lamang ako nang magsimula akong magsimbang gabi. Sabi ng marami, kapag nakumpleto raw ang siyam na araw ay siguradong matutupad ang iyong kahilingan. Sa paglipas ng panahon, napatunayan kong hindi sapat ang siyam na madaling araw para tumupad ng isang hiling. Kaakibat dapat nito ang pagsisikap upang tuparin ang naisin.
Nakakatuwang isipin na noong bata ako, napaka-eksakto ng mga gusto ko sa buhay. Na matupad lamang iyong mga munting hiling ay masaya na ako. Habang tumatagal ang panahon, mas nagiging malabo ang lahat. Marahil, mas ginugusto ko na lamang na tanggapin ang kung ano mang ipinagkakaloob sa akin. Mas ginugusto kong pahalagahan ang ngayon kaysa sa noon at bukas.
Ilang sandali na lang ay pasko na. Narito na muli ang panahon ng pagbibigayan, pagsasama-sama, at pagmamahalan. Sana'y maalala natin ang tunay nitong diwa. Happy Christmas everyone!
PS. Naalala ko ang isang usapan namin nung classmates ko
Classmate #1: May boyfriend ka ba?
Ako: Wala. SMP this year.
Classmate #2: SMP=Samahan ng Mararaming Pera. Walang reregaluhan eh.
Eh natawa ko. Di ko alam kung dapat ba kong matuwa o hindi eh. Next year kaya, hindi na malamig ang pasko? Chos!
No comments:
Post a Comment