Bagay na lubos na kinatatakutan
Itong diwa, itong pakiramdam
At sa pagdating nito aking alam
May dalawang pagpipilian:
Patuloy bang kakapit
O tuluyang bibitiw?
Ngunit gaano kasiguradong
Sa pagkapit ay may aabutan
O sa pagbitiw naman,
Gaano katagal
Maghihilom ang sugat na iniwanan
Pero siguro nga minsan
Sadyang may mga alaalang
Kay daling kalimutan
O di pagtuunan
Mga alaala ng nakaraan
Na magsisilbing gunita
Ng isang magandang pinagsamahan
Ng isang nang-iwan
At ng nagpa-iwan.
-------------
Random tula moment mula sa drafts ng cellphone.
No comments:
Post a Comment