Hobby ko siguro gumawa ng bucket list kahit hindi ko pa talaga sisipain yang bucket na yan. Bucket ba? Okay, ang corny ko. Joke dapat yun just in case hindi mo na-gets.
Ilang linggo, araw, at oras na lang, pasukan nanaman. Hindi pa ko ready. Ang dami ko pa kasing kaylangang gawin bago ko isubsob ang sarili ko sa mga makukulay na libro ng med. Kaya sa nalalabing sandali, pipilitin kong tapusin 'tong short pre-MD bucket list ko. Isang listahan ng mga dapat gawin, mga taong dapat kitain, at mga lugar na gustong tunguhin.
- Usapang life habang umiinom ng mainit na kape sa isang hindi industrialized coffee shop
2. Overnight out-of-town outing
- Hindi pa ko nakakakita ng dagat ngayong summer. maawa't bahabag sakin!
3. Ocean Park
- Gusto ko lang makita yung jellies na umiilaw. Last year ko pang pangarap eh.
4. Date with Manila buddies
- Bago umalis ang isang mabuting kaibigan patungo sa kabilang dako ng mundo.
5. Lunch with my fave Chem prof
- Dahil hindi ko na matandaan kung kelan kami huling nag-lunch ng sama-sama.
6. Ice Skating
- Childhood frustration.
7. Camping sa tuktok ng bundok
- Ang sarap siguro ng pakiramdam na paggising mo ay ulap at hamog ang sasalubong sa'yo
8. EK
- Gusto ko lang sumigaw ng bonggang bongga at magpictorial sa may Rialto lane.
- Magdadala ako ng basket with sandwich at picnic foods. Yey!
Game. Sinong gusto sumama?
No comments:
Post a Comment