Thursday, May 26, 2011

Alas Syete

Ayoko talaga ng 7 am class. Nung first year nga ako, may nai-drop akong subject dahil kay aga-aga ay wala na ko sa mood. Bukod sa hindi ko na nga kagustuhan yung subject, sasalubungin ka pa ng pagka-hirap-hirap na quiz na pagka-hirap-hirap sagutin kahit namuti na mata mo buong gabi kakabasa at kakaintindi nung readings.

Ang mahirap pa sa 7 am class, nariyan lagi yung temptation na mag-extend ng tulog. Kahit maaga ako matulog the night before, parang ayaw pa rin ng katawan ko bumangon ng maaga. Nag-aalarm ako ng alas-sais pero ang totoo, mga 6:30 pa ako babangon at kikilos. As a consequence, minsan hilamos at toothbrush at bihis na lang muna. Pantawid klase lang. Malay ba nila.

Pero ngayon, ganado na ko sa tuwing sasapit ang alas-syete.

"Things do happen for a reason." 

Paulit-ulit ko yan sinabi, 1 summer and 1 sem ago. Mga panahong marami akong hindi maintindihan at nababalot ako ng matinding kalungkutan dahil sa isang di sinasadyang kabiguan. Ang hirap isipin na 'things happen for a reason' kapag sawi ka at pakiramdam mo'y sumasaklob ang langit sa lupa. Pero dahil naniniwala akong kasayangan sa oras ang pag-eemo at pagiging malungkot, nagpasiya akong magiging masaya na lang ako. Isang summer lang naman, ayos na yun. Malay natin, may dahilan talaga 'to. Malay natin, may cute classmate o kaya super cool prof o kaya super amazing subject. 

Then summer came. 30+ days of intense summer heat. Akalain mong, tamang 'things do happen for a reason' talaga. 10 units of fun, memories, and learning. Marunong na kong mag-calculus for real, magtugma ng tula, umintindi ng intense salitang balbal, magbasa ng 'tula' at 'maikling kwento' na pang PanPil 19, maki-DZUP, maglaro ng video games, and a lot lot more. Super fun pa ng mga profs ko, napaka-inspiring lang nila na tipong manghihinayang ka kapag hindi ka nakapasok ng kahit isang araw lang. Pakiramdam ko, hindi kumpleto ang araw ko kapag may hindi ako napasukan na klase. Sa bawat dalawang oras, alam ko, masaya ako. Sa bawat tawa, sigaw, gulat, nalilimutan ko ang puyat, gutom, pati ata frustrations na minsan ay bumabagabag sa akin. Kung pwede lang i-extend pa ng onti ang summer classes eh. Kaya naman kahit alas-syete nag-uumpisa at nagtatapos ang araw ko, sulit na sulit naman. No regrets, just love.

Marami nanaman akong mamimiss sa muling paglisang ito. Mga bagong taong nakilala't naging kaibigan, mga matagal nang kakilalang muling natagpuan, mga gurong hinding-hindi malilimutan. 

At kasabay nito, sa wakas ay masasabi ko na 'this is it, salamat UP.Maraming salamat.'

-----------------------------
Walking down memory lane

Super fun moment sa sunken garden

Friuli dinner with AIT loves

Context-intertext activity with PanPil 17 friends

The DZUP experience (photo by: Sir Vlad Gonzales) Salamat sir!

The BRGR project with Ystal and Rizzi

Beloved Math class


No comments:

Post a Comment