Wednesday, April 13, 2011

Para Kay 'V'

Kung tatanungin ako kung ano ang pinakamahirap na experience ko sa UP, marahil isa sa isasagot ko ay 'enrollment.' Actually, parang understatement pa nga yung salitang 'mahirap.' Sa realidad, mixed emotion ito ng mahirap, nakakapagod, nakakainis, nakakainip, nakakafrustrate, at lahat na ng 'nakaka-_____' sa mundo. Kaya naman sagrado ang bawat form 5. Madalas kasi ay dugo, pawis, at luha talaga ang puhunan para sa kapirasong papel na iyon lalo na kung isa ka sa mga nasa 'laging sawi list' tuwing pre-enlisment sa CRS.

Balik UP Diliman ako this summer para sa huling 7 units ng college life ko. At kasama ng pagbabalik na ito ang flashback of memories including my enrollment horrors. 

Nung 1st year ako, merong isang GE subject na gustung-gusto ko talagang kunin. Narinig ko pa lang yung title, parang nag-ring na ang bells at umawit ang mga anghel na nagsasabing 'this is the GE for me.' Okay, medyo OA lang talaga ko, pero siguro naman na-imagine niyo ang desire ko. Plus, kasama pa sa package si prof. na beyond okay daw magturo noong said subject. 

This summer, akala ko, 'this is it' moment ko na. Kaya lang, sa huling pagkakataon ay mukhang bigo pa rin akong makuha yun.

Nalungkot ako hindi lang dahil sa hindi ko siya nakuha. Mas nakakalungkot kasi yung pakiramdam na alam mong sinubukan at ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para sa isang bagay na in the end ay hindi mo rin makakamtan. Siguro, hindi lahat ng gusto natin, nakukuha sa tyaga lang. Naghintay naman ako, tumakbo as fast as I could, pero hindi pa rin sapat. Minsan, mas importante ang diskarte, swerte, at timing. Kung hindi lang siguro ako umalis sa kinauupuan ko kanina, baka nakakuha ako ng schedule na hindi magko-conflict kay dream GE. To relieve the pain, iniisip ko na lang na may purpose kaya to nangyari. Sana lang ay hindi ako mabulag ng aking frustration nang makita ko ito soon. Isa pa, baka may mga bagay lang din talaga na kung para sa atin, mapupunta sa atin kahit ano pang mangyari. And in general, hindi naman din lahat ng gusto natin ay pwede nating makuha. Hindi sapat na dahilan na dahil 'gusto ko lang.'        

Kaya lang may isang tanong pang bumabagabag sakin ngayon. Paano malalaman kung dapat nang bitawan ang isang bagay na alam mong gusto mo? Para kasing it's a battle between try and try until you succeed vs. know when to stop. Pero kelan yung 'stop' na sinasabi? Hindi ko pa rin lubusang ma-figure out pero ang masasabi ko lang, it's always safe na wag sumuko agad dahil mas nakakatakot ang 'what ifs' in the end.  

Kahit napagod ako, masaya na ko dahil pwede na kong mag-enroll! Welcome back sakin sa Diliman and hello summer! 



No comments:

Post a Comment