Friday, April 08, 2011

Panimula

Bawat kwento may simula. Bawat libro, kabanata, kanta, or kahit life in general, may intro.

Intro. Panimula...Ang hirap no? Ang hirap mag-isip kung anong magandang sabihin. Yung tipong may 'dating' at 'impact.' Tipong first line pa lang, ulam na. Pwede bang wala na lang nito? Pero sabi nila, sa mga papers, intro ang pinakamadaling gawin at madalas pa nga ay pinag-aagawan ito sa mga group assignments sa reports at papers.

Favorite ko talaga magsulat ng intro. Hindi dahil sabi nila madali lang gawin yun bilang puro descriptions, terms, at definitions naman daw ang laman. Copy + paste at konting ikot lang ng words, solved na! Ngunit para sakin, ang intro ay hindi isang mere collection ng definition of terms. Sagrado to. Oo, sagrado talaga term ko. May kakayahan itong pumukaw ng interes ng mambabasa. Parang trailer o teaser lang. Kapag maganda, mas naeexcite ka panoorin at inaabangan mo ang mga susunod na pangyayari.

Actually, ang point ko lang naman talaga eh gusto ko lang sabihin na bumalik na ko sa pagsusulat. Yey! By pagsusulat I mean yung hindi 'self-centered' tumblr pagsusulat style ko *kung writing nga na matatawag yun*. More of  'si Suni na nagsusulat sa multiply niya three years ago' style.  Minsan walang kwenta or super random, pero pinag-isipan naman.

So hello and welcome sa aking bagong planeta. Abangan ang mga susunod na 'kwentong pangkalawakan.' Alien kasi talaga ako eh.

No comments:

Post a Comment