Ang Imortal na Form 5 |
First day...isa sa mga inaabangan kong araw. Feeling ko kasi, fresh start ang effect. Parang isang blankong papel na pwede kong sulatan ng mga bagong thoughts.
Nakakatuwang isipin ang first day ko this summer sem. Balik nanaman sa dati. Tipong papasok sa isang klase na walang kakilala at hindi rin gaano magkakakilala ang mga tao. Unlike sa Manila na pag pumasok ka sa isang GE class, madalas ay isang block ang mga kaklase mo. Ang weirdo lang minsan na pagpasok mo sa classroom sa unang araw eh sabay-sabay silang titingin sa'yo with the 'naligaw ba siya ng classroom?' look.
Maaga akong dumating para sa first class ko. May ilan na mas nauna sakin na nakaupo sa may corridor. Syempre, to break the ice, nariyan ang standard na tanong na 'Ito ba yung _______ na class?' Para sakin isa sa challenges ay kung sino ang unang kakausapin o pagtatanungan. Usually kasi, yung una kong kinakausap sa class ay yun na rin ang tao na kakausapin ko forever sa subject na yun. Crucial din sakin ang pagpili ng uupuan at tatabihan. Parang Rebecca Black lang na confused kung sa back seat o sa front seat ba siya uupo. Feeling ko, yung upuan na uupuan mo sa first day eh yun na ang permanent seat mo kahit wala kayong seating arrangement at kung sinong katabi mo, malamang siya na rin siguro ang seatmate mo for the sem.
Sadly, hindi sumipot si prof. Sayang ang gising ko bilang 7am class yun. Pero, gusto ko tong first day na to. Ang daming unexpected na nakakatuwang mga pangyayari. Nakita ko yung favorite prof. ko sa Comm3 tapos nakausap ko pa si Manok habang nag-eenroll ako. Finally, matapos ang ilang taon ay nakita ko silang muli. Ang saya saya ko na nun no. Ngiting ayaw kumupas effect after the series of fortunate events. At mas masaya kasi natatandaan pa naman nila ko. At para mas masaya pa ay naglakas loob na rin akong magsit-in sa PanPil 17 class ni Sir Vlad. Super fun benta class only! Inggit nga lang ako at hindi ako officially enlisted sa class na yun pero gusto ko magsit-in hangga't keri ko. Feeling lang eh. Haha. At these days, yun na lang ata ang laging bukambibig ko.
One month pa. Unti-unti ko na nga ata nakikita kung ano yung dahilan at purpose. Ito nga kaya yun?
No comments:
Post a Comment