Saturday, April 16, 2011

Bugtong

Naalala ko nung gradeschool may monthly magazine sa school na 'Saranggola' yung tawag. Kung ang favorite section ko sa 'Libre' ay ang daily horoscope, sa 'Saranggola' naman ay paborito ko ang bugtong section. Competition pa ang panghuhula ng mga bugtong saming magkakaklase.

Ang bugtong ay isang one to two line statements na madalas ay tumutukoy sa isang bagay sa pamamagitan ng panghahalintulad nito. Naalala ko bigla ang mga bugtong dahil isa siya sa topic sa PanPil 17 class kahapon. 

Game, hulaan bugtong tayo!

1. Maikling landasin, di maubos lakarin.
2. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
3. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
4. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
5. Buto't balat, lumilipad.

Sagot:

1. Anino
2. Kandila
3. Pako
4. Bolpen
5. Saranggola

Yan yung mga classics. Syempre, modern na ngayon. Kung dati ay sa oral na tradisyon ito pinapasa, ngayon ang mga bugtong ay nag-transform na para maging text friendly. Siguro, ilan pa nga satin ay nakatanggap na ng mga ganitong text. 

1. "Hindi lahat ng malakas, super hero!"
- Putok

2. "Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?"
- Lego

3. "Hindi lahat ng hinog ay matamis!"
- Pigsa

4. "You never even thank me for making you happy, then you throw me away just like that. I hate you for using me, for making my life full of shit!"
- Tissue

5. "Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan?! Sa tuwing wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod ako sa pagngiti!"
- Smiley 

6. "You can cry all you want, you could always blame me. You said, itwasn't fair that you just want life to be better. But remember, it's all your fault! You stabbed me with a knife!"
- Sibuyas

7. "Hala! sige magpakasasa ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo."
-Hipon

8. "Ayoko na! Pag nagmamahal ako, lagi na lang maraming tao ang nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal?!"
-Gasolina

9. "Sawang-sawa na ako, palagi na lang akong pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako."
- Bola

10. "Ginawa ko naman lahat para sumaya ka, mahirap ka ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?"
- TV

11. "Anung kasalanan ko sa iyo, iniwan mo na lang akong duguan..."
-Sanitary Napkin

12. "Hwag mo na akong bilugin.."
-Kulangot

13. "Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sa iyo. Ayoko lang naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo na lang ako itanggi!"
- Utot

Funny! May feelings na ang mga bugtong ngayon. Akala mo emotera lang, yun pala bugtong. 

Minsan parang ang sarap magsalita in riddles. May kakayahan siyang itago ang tunay na feelings or kaya kunwari joke lang. At madalas, kelangan pang pag-isipan at i-figure out. Isa akong malaking bugtong these days. Mahirap na bugtong at sa sobrang hirap, kahit ako di ko ma-figure out. In the end, I shall say...this too shall pass, as always. 

----------
Kahapon, nagpa-quiz si Sir Vlad. In 5 minutes, gumawa ng 2 bugtong. Na-drain utak ko so ito lang naisip ko: 

1. Taling di nakikita, abot hanggang sa bintana.
-Wifi

2. Kahong natutupi, nadadala kahit sa UP
-Laptop 

Feeling ko hindi bugtong material, masabi lang na nag-rhyme. LOL.

BUGTONG OF THE DAY: Bagay na di mawari, laging nasa isip ni Suni.

No comments:

Post a Comment