Umaga. Umaga nanaman. Fan ako ng sunrise pero hindi ako fan ng paggising ng maaga. Madalas ay kahit naimulat ko na ang aking mga mata, mas pipiliin kong ipikit ang mga ito muli. Laging sambit ang '5 minutes...5 minutes pa' na masusundan ng isa pa hanggang sa mamalayan ko, tanghali na pala. Kalahating araw na ang nasayang sa paghiga at pagpikit.
Linggo ngayon, isang normal na araw na di ko namalayan ay mababahiran ng isa nanamang surge of thoughts and realizations. Nag-alarm ako para sumimba, ngunit pinili ko nanaman ang tawag ng unan at kama. Gaya ng isang normal na 'wala akong gagawing ngayon' day, bumangon ako, pumunta sa kusina ngunit piniling di mag-agahan, bumalik sa kwarto at binuksan ang laptop. Nitong mga nakaraang araw, pinipili kong magsulat sa blog na ito gamit ang 4-year old mega bagal laptop kong tawagin natin sa pangalang 'Minmin.' Pag may naisip ako, agad kong ina-arrange ang thoughts sa utak ko at saka pipindutin ang 'new post.' Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging masipag sa pagsusulat. Hindi naman kasi ako writer. Sa huli kong tanda ay Biology ang course ko. Ang tanging alam kong isulat ay written lab reports major in journal citations.
Isang normal na umaga na humantong sa surge of thoughts and realizations. Nagbukas ako ng twitter. Patay na daw si AJ Perez. Napaisip ako, sino si AJ Perez? Pamilyar na pangalan. Ah, si AJ Perez ba ito na sinabi ko dati na kahawig ng crush ko sa eskwela? Teka, bata pa yun. Baka hindi siya yun. Bihira naman kasi ako manood ng TV na ultimo yung pinull-out na commercial ng Mcdo ay kailangan ko pang i-youtube. Para ma-satisfy ang curiosity ko, ginoogle ko na lang. At sa aking gulat ay siya nga, ang AJ na minsan ay nakita kong nanonood ng Jabawockeez sa Glorietta. Shet. Patay na siya. Sa edad na labingwalo.
Kahapon lamang ay kausap ko ang isang matalik na kaibigan. Topic namin ay ang nakakatakot na pagmahal ng bilihin at kasunod nito ang issue tungkol sa pera at ang unti-unting pagkawala ng value nito. May dalawa kaming paniniwala, dalawang nagtatalong paniniwala. Present vs. future. Sabi niya na ayos lang gumastos dahil hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mabubuhay o kung baka next year ay tunay ngang magunaw ang mundo. Sabi ko naman, kaylangan din isipin ang hinaharap at mag-ipon dahil hindi biro ang linear na pagtaas ng presyo ng bilihin. Na natatakot ako kapag henerasyon na namin ang nasa front line ng ekonomiya. May punto siya. Aanhin ang pera kung patay ka na? Pero paano naman kung mahaba pa ang buhay ko? In the end, napagkasunduan na lang namin mag-ipon para makapunta sa mga lugar na gusto naming puntahan habang alive and kicking pa kami. In short, mag-ipon para gumastos. Mas ayos yun.
Pero kanina, namatay nga si AJ. Sa edad na labingwalo. Napaisip ako. Takte naman, life is short. Too short. Parang ang swerte ko na nalagpasan ko pa ang 18. Tapang-tapangan ako sa isyu ng death. Naniniwala ako na kung oras mo, oras mo at wala kang magagawa. Dahil iniisip ko ay masamang damo ako, nagkakaroon ako ng kaunting confidence na medyo magtatagal pa ko sa mundo. Pero ngayon, nalalabuan na ko. Kung dapat ba ay gawin ko na lahat hangga't kaya ko o kung ipagpapatuloy ko ang pagchi-chill ko sa buhay. Go with the flow ika nga.
'What ifs' ang isa sa hatest statements ko na kasabay nito ay ang hatest word ko called 'regrets.' Para nanaman akong sinampal ng event na ito na kailangan ko nang kumilos, na maging matapang at harapin ang mga pangarap sa buhay. Walang mangyayari kung hindi susubukan. Walang naidudulot ang pag-aabang. Kailangan ng movement and action. Kaya naman ngayon, susubukan kong baguhin ang aking buhay. Ayokong maglaho na walang nagawa para sa sarili ko at para sa mga taong naniniwala sa akin.
Old school muna ko ngayon.
"At bago ko pa man hindi masabi ang mga salitang ito ay sasabihin ko na, MAHAL KITA. Oo, ikaw nga."
ReplyDelete--strong words!
Haha! No regrets, just love. Line of the day ko yan. :))
ReplyDeletewoooah sino? :)) :))
ReplyDeletemarahil siya, sila. malay mo, ikaw o kaya kayo. haha. pero sino ka nga ba? :))
ReplyDeletesi koa :)) :)) wasap! kita ba nya to? hahaha
ReplyDeletehoy daryl koa! ikaw pala yan. HAHA. 'niya' ka dyan? collective yung last line. para sa lahat. sinulat ko lang na ganyan, parang ang ganda kasi pakinggan. HAHA! :))
ReplyDelete