Monday, April 18, 2011

Parang Manok na Inasal, Parang Burger na Mahal

Hindi ako makata pero hindi ko rin alam kung anong sumagi sa sabaw kong utak at naisipan kong i-text ang aking mga kaibigan sa most 'tataas ang kilay nila sa langit' way possible. 

Kanina sa Pan Pil 19 ay nagsuri kami ng ilang tula at tinuruan kung papaano bumasa at umintindi nito. Sinaniban ata ako ng espiritu ng Pan Pil overload ko at naisip kong mag-text patula. Wala lang. Gusto ko lang maiba naman. Go beyond the norms at from the expected. Maarti lang talaga ko. Yes, tomoooh? TOMOOOH!

Minsan lang naman talaga ako mag-load sa globe. Pag marami lang itetext or may kailangan tawagan na naka-globe din. Tila mas alarm clock na nga ang teleponong iyon kaysa isang machine for text and calls. Kung may masipag man mag-text doon, syempre nangunguna si 'globeee.' Ang sweet nga eh. Di niya ako nakakalimutan. At di lang once a day kung iyon ay magtext. Minsan, twice o thrice pa. At kahit isnabin ko siya at di ako mag-reply, patuloy pa rin siya...araw-araw, walang sawa. Okay, so in short, ganoon ka-api yung cellphone ko. Kanina, naisip kong magpa-load. May ilang mga tao kasi akong kaylangan i-text at medyo tinablan na rin ako ng hiya gamitin ang naka-plan kong sun phone bilang di pa ako bayad sa bill ko roon. 

*Create Message*

1. To: Karen and Chikki (10:38 AM)

Ako'y inyong patawarin
Pagkat mamaya'y di makakarating
Kaarawan ni ina ang dahilan
Kaya ako ngayo'y mang-iindyan

Hindi ko alam kung bakit natula
Sorry lang naman ang hinahanap na salita
Sige, next time na lang
Promise tayo ay magdiriwang

2. To: Oshin (10:49 AM)

Puting form ay nakuha na
Init ng araw aking ininda
Ngunit ito ba'y maaaring itupi?
Tanong ko sa iyo ngayong sandali

Pakiramdam ko ako'y naiinip
Kaya sa tula ako'y bumabaling
Nakaupo ngayon sa isang tabi
Naghihintay sa iyong sabi

3. To: Ystal (10:59 AM)

Tanghalian ay malabo
Pagkat ako'y nasa malayo
Bukas tayo'y magkita
Upang magsalo at mag-chika

Latin ay kamusta?
Nawa'y ikaw ay nakapasa
Salamat uli kahapon
Iyong galingan nang makarating doon

4. To: Hannah (11:00 AM)

Sa pagdating ay magsabi
Nang kinaroroona'y mawari
Narito lamang ako sa isang tabi
Nagiisip ng sunod na tutunguhin

5. To: Hannah (11:12 AM)

Ako'y nasa lobby
Kung nasaan ka di ko masabi
Text ay makakatulong
Nang di to magmukhang isang bugtong

6. To: Rizzi (1:23 PM)

Kulay ng buhok di na mawari
Ito ngayon ay nahahati
Ninanais kong ipabago
Ngunit salapi'y tuluyang napako

Tuluyan na ata akong nilamon
Ng wika kong hinamon
Marahil ay kasalanan nga niya ito
Puso ko tuloy hindi na ata bato

7. To: Oshin (1:31 PM)

Pagtula pala ay masarap
Ngayon ay unti unti nang nalalasap
Parang manok na inasal
Parang burger na mahal

----------------------------------

Huwag sanang matakot
Sa mensaheng aking dulot
Gusto lamang kitang pangitiin
Upang lungkot mo ay pawiin

Pagtula for fun. Tama, iyan na lang new hobby ko. 

   

No comments:

Post a Comment