Sunday, October 23, 2011

Kapit

Parang unti-unti kong nakikita
Bagay na lubos na kinatatakutan
Itong diwa, itong pakiramdam
At sa pagdating nito aking alam
May dalawang pagpipilian:
Patuloy bang kakapit
O tuluyang bibitiw?

Ngunit gaano kasiguradong
Sa pagkapit ay may aabutan
O sa pagbitiw naman,
Gaano katagal 
Maghihilom ang sugat na iniwanan

Pero siguro nga minsan
Sadyang may mga alaalang
Kay daling kalimutan
O di pagtuunan
Mga alaala ng nakaraan
Na magsisilbing gunita
Ng isang magandang pinagsamahan
Ng isang nang-iwan
At ng nagpa-iwan.

-------------
Random tula moment mula sa drafts ng cellphone.  

Sunday, October 09, 2011

No Other ________


Alaala ng mga dating naging crush. Mahirap masiraan ng gaydar. Period. Pero ayoko pa rin maniwala na si KK at si Prof. ay one of them. :))

Sunday, September 25, 2011

New Girl


Friday = New Girl Day. Watched the pilot episode with the 'family' at Lloyd's place. Ang dami lang naming tawa nung araw na yun. And ang dami ring 'Aaahhh' moments. Parang ang sarap tuloy maging heartbroken. Chos!

Habang nanonood, naisip ko na at one point of my life feeling ko naging 'Jess' ako. Buti na lang I had my 'Nick, Schmidt, and Coach' that time. Utang ko yata sa kanila ang pag-move on ko. At yung memories ng 4 months of moving on days na yun were one of the happiest, most exciting, and unforgettable part ng buhay ko. Plus, ang daming lessons learned. I'll be forever thankful. Ayan, na-miss ko tuloy sila ng bongga!