Sunday, September 25, 2011

Ticker

Parang ayoko lang nung bagong Facebook ngayon. Masyadong stalker at parang ang daming nangyayari all in one page. (stalker, yun dapat ata talaga ang tawag sa ticker) Ang gulo, ang daming updates. Though maganda yung lumaking photos and all, nasanay at na-attach ata ako sa lumang layout. 



Attachment. Ewan ko ba kung bakit may affinity ako sa mga bagay na nakasanayan na. Mabilis maging 'habit' sa akin yung mga daily/weekly/monthly/yearly routines na tipong hinahanap ko kapag nawala. At sabi nga, minsan mas mahirap kalimutan yung mga bagay na alam mo na kaysa sa mga hindi mo pa alam.

Nothing is constant but change. Tama nga naman si Buddha. Sa panahon ngayon, puro pagbabago na lang ang hinahanap ng maramin. Pagbabago sa gobyerno, pagbabago sa sistema, pagbabago sa trabaho, pagbabago sa grades, pagbabago sa latest gadgets, pagbabago sa internet world, pagbabago sa 'atbp.' Hindi naman masama ang pagbabago. Yung mga 'bago' kadalasan ay mas maganda, mas maayos, mas maraming features, mas pinaghirapan, mas pinag-isipan. Dumaan sa proseso ng trial and error. Pero kasama ng pagbabago ay nariyan ang konsepto ng pag-detach. Tapos, matututunan muli, makakasanayan, ma-aatach. Then the cycle continues. 

Kung minsan napapaisip ako kung bakit pa nagawa ang salitang 'forever' kung nothing is constant but change naman pala. Pero sa tingin ko, kahit sabay sa pag-usad ng panahon ang pagbabago, may ilang mga bagay na kahit anong panahon pa ay same feeling pa rin. Kaya rin siguro nagawa yung konsepto ng 'adjustment' at 'adaptation.' Para kahit may mga nag-iba man, nagagawa nating ibalik o i-maintain yung 'same feeling' na parang walang nagbago. Tulad ng dati na hinaluan ng konting modification. Effort lang ang puhunan. 

Siguro, makakasanayan ko rin yung bagong Facebook. Hindi rin naman kasamaan. Pero sa ngayon, I think I'll stay here for a while. Mas tahimik, mas simple. 

No comments:

Post a Comment