Sunday, September 18, 2011

Kwentong Pansit Canton

Hindi naman talaga ko mahilig sa pansit canton sa tunay na buhay. Maalat yung original, sobrang anghang naman nung extra chili, at nasobrahan sa asim yung kalamansi. Nakakaumay, lalo na kung mag-isa mo itong kinakain. Tapos, wala pang tinapay. Aray!

Pero ang maganda sa pansit canton, sumasarap ito kapag may kasalo, kapag may kaagaw. Isang punong plato sa di mabilang na tinidor ratio ang nagpapasaya sa simpleng meryendang ito. 

Iba talaga pag may kasama, kapag alam mong hindi ka nag-iisa. Iba yung may kakwentuhan, yung may nakikinig sa'yo at may pinapakinggan. Iba yung naririnig, nakikita, at nahahawakan kaysa sa nababasa at naiisip lamang. 

Gaano man pinadali ng cellphone, computer, at internet ang buhay natin, hindi mawawala sa akin isip ang panahon ng dati. Noong uso ang landline, handwritten na sulat, at tila ba'y simple ang lahat. 

Pansit canton. Nakakatuwang isipin na dahil dito ay may mga bagong kakwentuhan, bagong katambayan. bagong katalastasan ng mga insights, at bagong mga 'clinjeeng' (clingy-ng) kaibigan. Bagong mga alaala. Bagong good times. Sarap! 




No comments:

Post a Comment